Ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon laban sa pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.
Sa inilabas na resolusyon, sinabi ng Supreme Court na hindi naayon ang apela ng mga petitioner sa doktrina ng hierarchy of courts.
Sa pitong pahinang desisyon, iginiit ng kataas-taasan hukuman na sa mababang hukuman muna dapat na umapela ang mga petitioner.
Sa ilalim ng nasabing patakaran, iniiwasan nito na masayang ang oras na gugugulin ng Korte sa pagdinig sa mga kaso na nasa kanilang hurisdiksyon.
Nakasaad pa sa resolusyon na laging last resort ang SC, sa anumang legal intervention.