Hinihimok ni Committee on National Defense and Security Chairman at Senator Panfilo Lacson ang pamahalaan na isulong pa rin ang pakikipag-usap sa mga armadong grupo.
Paliwanag ni Lacson, mas naaangkop sa lokal na lebel na gawin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde dahil hindi aniya lahat ng lugar ay pare-pareho ang kalagayang pangkapayapaan.
Aniya, ito lamang ang kanyang paraan na nakikita upang matigil na ang karahasan sa mga lugar na hanggang sa ngayon ay pinamamahayan pa rin ng mga armadong grupo gaya ng New Peoples Army (NPA).
Dagdag pa ng senador, malaki ang matutulong ng mga lokal na pamahalaan sa localized peacetalks dahil mas alam ng mga ito kung ano ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Dapat rin aniyang maglabas ng malinaw na patakaran, parameters at gabay ang pamahalaan para sa localized peace talks.