Binigyang diin si Sen. Panfilo Lacson na obligasyon ng PDEA na ibigay sa Korte Suprema ang listahan ng mga hukom na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Lacson, ito ay makaraang ihayag ng PDEA sa publiko na may mga hukom na sangkot sa illegal drug trade ng bansa.
Dahil dito, aniya ay obligado ang PDEA na isumite sa Supreme Court hindi lamang ang nasabing listahan, kundi maging ng mga dokumentong kaugnay nito, sa kundisyon na mananatiling kompidensiyal ang nasabing drug watch list.
Una rito, sinabi ng Korte Suprema na hindi sila makapag-sagawa ng sariling imbestigasyon sa mga hukom na umano’y sangkot sa illegal drug trade dahil sa patuloy na pagtanggi ng PDEA na isumite sa Supreme Court ang pangalan ng 13 hukom na nasa drug watchlist.
(with report from Cely Ortega- Bueno)