Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bajo De Masinloc, Zambales matapos lumubog ang isang barko na dahilan ng pagkawala ng 13 mangingisa.
Nagkasa narin ng aerial search and rescue ang Department of Transportation (DOTr) at PCG Islander 251 sa naturang lugar.
Una nang nailigtas ang isang mangingisda na si Angelito Epetito Jr. na nakitang palutang lutang gamit ang isang container.
Ayon kay Epetito, lumubog ang FFB Three Sister na patungo sana ng Mariveles, Bataan galing Recto Bank nang paghahampasin ng malakas na alon bunsod ng bagyong Quiel nakaraang Nobyembre 7 dakong 3:00 ng madaling araw.
Dagdag pa sa kanyang salasay, apat na araw siyang nagpalutang lutang sa karagatan at hindi pa aniya nakita ang 13 pa niyang kasamahan.