Sumampa na sa 11 miyembro ng Abu Sayyaf ang patay sa pakikipag-bakbakan sa militar sa Patikul, Sulu, na nagsimula kahapon.
Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Spokesman, Maj. Filemon Tan Jr., 17 sundalo naman ang nasugatan sa 45-minutong sagupaan.
Nagsimula anya ang bakbakan ala-6:12 ng umaga kung saan tinatayang 100 bandido ang nakaharap ng mga tropa ng gobyerno sa Sitio Makaita, Barangay Bungkaung.
Narekober sa naturang lugar bangkay ng ASG Sub-leader na si Mohammad Said alyas Ama Maas at 5 iba pang bandido.
Sangkot si Mohammad sa pagdukot sa isang Filipino, dalawang Canadian at isang Norwegian noong September 21, 2015 sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.