Pinatitiyak ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan ang patas na distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Ito ang panawagan ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana kaugnay ng paghahanda ng national government at ng mga lokal na pamahalaan sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Pimentel-Gana na responsibilidad ng pamahalaan na tiyaking accessible sa lahat ng Filipino sa bawat sulok ng Pilipinas ang COVID-19 vaccine, partikular na sa mga lugar na may naitalang kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, pinatitiyak din ng CHR ang mabilis at maayos na distribusyon ng COVID-19 vaccine sa bansa.