Hindi dapat isisi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkamatay ng pasyente na sakay ng ambulansya.
Ito ang binigyang diin ni MMDA Spokesperson Celine Pialago kung saan sinabi nito na hindi naman kasalanan ng MMDA na may namatay na pasyente habang dinadala ito ng ambulansya sa ospital.
Ayon Pialago, maraming mga motorista ang hindi sumusunod at ayaw pagbigyan na dumaan ang isang ambulansiya kahit alam na emergency ang sitwasyon.
Batay sa kanilang CCTV monitoring, may mga ambulansya na talagang hindi nakakadaan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Pialago na sa ganito aniyang pagkakataon ay agad namang rumeresponde ang MMDA para makadaan ang mga ambulansya kapag naipit ito sa bigat ng daloy ng trapiko.