Suspendido na ang mga pasok sa Camarines Norte, ngayong araw ng Miyerkules Nobyembre 11 dahil sa bagyong Ulysses.
Batay sa inilabas na memorandum ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado, suspendido na ang mga klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan kabilang na ang online at modular.
Ito ay matapos na itaas ng PAGASA ang buong probinsya sa tropical cyclone wind signal no. 2.
Ayon kay Tallado na siya ring Chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ang nararanasang pag-ulan sa loob ng area of responsibility ng Camarines Norte ay katamtaman hanggang sa mabigat, na may posibilidad na pagbaha sa mga mabababang lugar.
Anila, kanila ring inaasahan ang posibleng paglakas pa ng bagyong Ulysses sa loob ng 24 oras.