Paskong general community quarantine (GCQ) muna ang aasahan ng publiko sa Metro Manila.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nais ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na manatili muna sa GCQ ang kani-kanilang mga nasasakupang lugar lalo pa’t inaasahan ang pagtaas ng COVID-19 ngayong holiday season.
Aniya, inirerekumenda kasi ng Metro Manila mayors na sa susunod na taon na lamang ipatupad ang mas maluwag na quarantine protocols kapag nakalipas na ang holiday season.
Sa ngayon, umapela rin si Galvez sa opisyal ng lokal na pamahalaan kung saan ipinatutupad ang modified GCQ na i-monitor ang paggalaw sa kanilang lugar.
Samantala, inaasahan namang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Nobyembre a-30 ang ipatutupad na quarantine protocols para sa Disyembre.