Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapadali sa paniningil ng buwis.
Sa ilalim ng House Bill 304 o ang Passive Income Financial Intermediation Tax Bill o PIFITA.
Nakasaad sa naturang panukala na dapat gawing mas simple ang paniningil ng buwis para madali itong makolekta ng gobyerno.
Isinama din sa naturang panukala ang unified tax rate na 15 percent para sa interests, dividends at capital gains.
Kabilang rin naman sa naturang panukala ang pagtanggal ng DTS o Documentary Stamp Tax sa diploma, transcript of records at iba pang dokumento dahil inaasahan namang kikita ng 4.2 billion pesos ang gobyerno sa ilalim ng naturang panukala.