Sinuportahan ng Malakanyang ang naging pahayag ni Pope Francis na dapat nasa ilalim ng proteksyon ng anumang batas sa civil union ang magkasintahang homosexuals dahil may karapatan umano ang mga ito na magkaroon ng kanilang pamilya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga batas na magri-recognize ng civil union sa mga pareho ang kasarian.
Samantala, umaasa naman si Roque na wala nang magiging balakid sa pagsasabatas ng same sex civil unions gayung inaprubahan na naman ito ng Simbahang Katolika.
Gayunman, depende pa rin aniya ito sa kongreso kung bibigyan ito ng prayoridad.