Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-audit sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa press briefing kagabi, sinabi ng pangulo na “ghost project” ang pinaka-raket ng DPWH para mangurakot.
Ito’y kung saan pinapalabas aniya na may proyekto ang ahensya, kahit wala naman talaga.
DPWH, ang pinaka-raket diyan ay ‘yung ghost project, so wala mg delivery ang ghost project marami ‘yan. Karamihan diyan [ Ang mga regional directors ang kumukuha ng ghost projects] ipapalabas nila may project pero wala naman. The best way is to conduct an audit on those projects to determine if they are ghost or not. [I will say that na ang pinkamaraming masisibak sa pwesto diyan sa DPWH] . ani Duterte
Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Justice (DOJ) na pangunahan ang task force na mag iimbestiga sa mga nangyayaring korapsyon sa buong gobyerno, kabilang na ang DPWH.