Hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang Change of Command ceremony ng PNP.
Ito mismo ang kinumpirma ni PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, kung saan sinabi nitong nakahanda na ang Kampo Krame para sa isasagawang Retirement of Honors para kay outgoing PNP Chief Gen. Camilo Cascolan, gayundin ang Change of Command ceremony.
Sa halip, sinabi ni yu na si DILG Sec. Eduardo Año na lamang ang kakatawan sa pangulo para saksihan ang Change of Command kung saan uupo bilang bagong hepe ng PNP si Police Gen. Debold Sinas ganap na alas-4 ng hapon.
Si sinas ang kauna-unahang itinalaga ni Pangulong Duterte mula sa Philippine Military Academy (PMA) “hinirang” class of 1987 matapos ang pamamayagpag ng 4 na PNP chief mula sa itinuturing na makapangyarihang “Sinagtala” Class of 1986.
Mahigpit na ipatutupad ang quarantine protocols sa loob ng multi-purpose center ng Kampo Crame at limitado lang ang mga maaaring dumalo sa nasabing okasyon habang ang iba tulad ng media ay maaaring makasaksi virtually.