Umapela si Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan na ang kontrobersiyal na anti-terror bill.
Ayon kay Panelo, batay kasi sa kanilang masusing pag-aaral sa naturang panukala at mananatili namang protektado ang karapatan pantao at seguridad ng mga mamamayan.
Sinabi ni Panelo, dapat kasi na pag-aralan ang bawat probisyon ng panukala at kung paano nito mapipigilan at masusugpo ang terorismo sa bansa na naka-a-apekto sa buhay ng maraming Filipino.
Matatandaang kaliwa’t kanan ang naging pagtutol sa nasabing panukala dahil sa pangambang magagamit ito laban sa mga kritiko ng pamahalaan.
Sa ngayon, lagda na lamang ng pangulo ang kailangan upang maging ganap na batas ang nasabing panukala matapos itong ipasa ng Kongreso.