Lumakas pa ang panawagan sa mababang kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang extrajudicial killings.
Limang babaeng miyembro ng Liberal Party sa House of Representatives ang sumama na sa panawagan ni Ifugao Congressman Teddy Baguilat na maglunsad ng imbestigasyon ang Kongreso.
Ayon kay Batanes Congresswoman Henedina Abad, pinagkaitan ng due process ang mga napatay gayung hindi pa naman napapatunayan na sila ay drug dealers.
Inihalimbawa ni Abad ang pagkakapatay kina Jefferson Bunuan at Rowena Tiamson, dalawang estudyante na wala namang ebidensyang sangkot ang mga ito sa illegal drugs trade.
Maliban kay Abad, sumama rin sa panawagan sina Occidental Mindoro Congresswoman Josephine Ramirez-Sato, Arlene Bag-ao ng Dinagat Islands, Josie Limkaichong ng Negros Oriental at Geraldin Roman ng Bataan.
By Len Aguirre