Iimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang nangyaring pag-aresto at umanoy pananakit ng isang opisyal ng pulis sa isang babaeng grab driver sa Taguig City.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, titignan ng kanilang komisyon ang posibleng misconduct ng naturang opisyal na si Police Captain Ronald Saquilayan.
Aniya, kanila ring sisilipin ang pagsasabahala nito sa due process sa pag aresto sa grab driver na kinilalang si Florence Norial.
Tiniyak naman ni De Guia na agad silang magsasampa ng kaso sa Philippine National Police (PNP) at Office of the Ombudsman sakaling mapatunayan na inaabuso nga ni Saquilayan ang kanyang otorisasyon.
Matatandaang nag trending sa social media ang isang video kung saan inaresto ng mga pulis sa Taguig ang isang babaeng grab driver na nanampal umano ng isang police captain.
Pero giit ng babae, dumipensa lamang siya sa pananakit ng opisyal matapos niyang pakiusapan ito na alisin ang sasakyan nitong nakaharang sa driveway.