Panahon na para maghanap ang Dept. of Energy nang alternatibong pagkukuhanan ng langis, at iba pang produktong petrolyo.
Ito ang naging reaksiyon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ayon kay Pimentel, dapat na seryosohin ng Pilipinas ang isyu sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa lalo na’t ang Middle East ang pangunahing pinagkukunan ng oil products sa malaking panig ng mundo.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Pimentel na dapat ding pagtuunan ng pansin ng DOE ang pag-develop sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya dahil malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas.
Samantala, sinabi rin ni Pimentel na maaring suspendihin ng pamahalaan ang panibagong fuel tax kung papalo sa mahigit 80 dolyar ang kada bariles ng produktong petrolyo sa tatlong magkakasunod na buwan.
Dapat conscious ang gobyerno at tayong lahat, na mayroong mekanismo dyan sa train law na kung lumampas na ang average price ng kurudo per barrel, pwedeng isuspend na yong pag impost ng additional excise tax. (number 1 yon).
Dahil nga sa tensyon dyan ngayon sa Middle East, pagpatay ng top Iranian na military commander, siguro ang ating Department of Energy ay dapat umisip na ng new sources of oil muna. And then, seryosohin na rin natin yong alternative sources of eneregy. Ano ba ang ibig sabihin ng alternative sources, yon yong solar, wind lahat po yan dapat seryosohin na ang pagdevelop, ang pagpalago ng enerhiya.