Handang-handa na ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo para sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno sa Miyerkules, Enero 9.
Ayon kay Father Danichi Hui, parochial vical ng basilica minor ng Itim na Nazareno, matagal nang handa ang simbahan para sa mga aktibidad na ipatutupad nito magmula sa tradisyunal na pahalik sa Nazareno hanggang sa mismong traslacion.
Sinabi rin ni Hui na walang babaguhin sa nakagawiang ruta ng prusisyon dahil sang-ayon ang MMDA na mas ligtas ang rutang ito.
Tiniyak rin naman ng DPWH o Dept. of Public Works and Highways na inayos na ang kalsadang daraanan ng prusisyon at isina-ayos na rin maging ang mga kawad ng kuryente na maaring maging sagabal sa milyun-milyung deboto.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Hui ang mga makikilahok na mananampalataya na iwasang mag-iwan ng anumang kalat at siguraduhing mag-dala ng sariling tubig at pagkain upang hindi maabala at makaiwas sa anumang disgrasya.
“Ready na po ang ating simbahan at ganun narin po kasama ang mga local at national government po natin na nakipagtulungan po sa amin sa paghahanda nitong nalalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno. Pataas nang pataas po ang bilang ng mga dumadalo sa unang traslacion kaya ganoon na lamang po kaigting ang aming preparasyon. As early as 6 months ago, we have started preparing for the feast day of the Black Nazarene.”
(from IZ Balita Nationwide Sabado (Pangtanghaling edisyon) interview)