Umapela na sa mga otoridad ang pamilya’t mahal sa buhay ng 36 na nawawalang tripulanteng Pilipino na ipagpatuloy pa rin ang search and rescue operations.
Ito ay 57 araw matapos na lumubog sa karagatang malapit sa Japan ang M/V gulf stick 1 na may lulang 43 mga tripulante.
Sa naganap na pagdinig ng kongreso hinggil sa overseas workers affairs, umapela si Mary Joy Fortun, asawa ni Ronald Fortun, isa sa mga nawawalang tripulante na tulungan silang mahanap pa ang nawawalang crew members ng lumubog na barko.
Sinabi ni Fortun, labis ang kaniyang pasasalamat sa gobyerno ng Pilipinas at Japan ngunit para sa kanya ay hindi naging sapat ang hakbang nito para ma-rescue ang mga nawawalang tripulante.
Matatandaang Setymbre 2 ng lumubog ang nasabing barko matapos nitong makaranas ng problema sa makina bunsod ng bagyo.
Nabatid na lulan nito ang 39 na Pilipino, kung saan nakaligtas at narescue ang 2 sa mga ito, habang natagpuan namang patay ang isang tripulanteng Pinoy.