Hindi manlilimos ng boto si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa Simbahang Katolika at iba pang religious group para sa kaniyang mga pambatong kandidato sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi estilo ni Pangulong Duterte ang manghingi ng suporta mula sa mga religious sector.
Kasabay nito ipinagmalaki rin ni panelo na mismong ang mga religous leader ang lumalapit sa pangulo upang mag-alok ng tulong, gaya na lamang ng ginawa ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at ng Iglesia ni Cristo noong 2016 presidential elections.
Samantala, matatandaang naging maanghang naman ang mga pag-atake ni Pangulong Duterte sa simbahang katolika dahil sa patuloy na pagkondena ng ilang mga obispo sa war on drugs ng pamahalaan.