Palaban na ang Malakaniyang sa mga binibitawang pahayag ni Sen. Bongbong Marcos.
Kasunod ito ng pahayag ng senador na posibleng magamit sa kampaniya ng administrasyon ang mga hindi nagamit na pondong nakalaan para sa mga sinalanta ng super bagyong yolanda na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, iba na ang panahon ngayong 2015 kung saan, hindi isang Marcos ang nakaupong pangulo at lalong hindi kilusang bagong lipunan o KBL ang ruling party.
Giit ni Lacierda, posibleng ganito ang nakamulatan ng senador kaya’t naitanim sa isip nito ang paraan kung paano ginagastos ang pondo sa panahong iyon
Binigyang diin pa ni Lacierda, hindi na panahon ng martial law ngayon dahil ang isinusulong ay ang daang matuwid na hindi na aniya kayang sundan pa ng senador.
By: Jaymark Dagala I Aileen Taliping (patrol 23)