Nagpasalamat sa kongreso ang Malacañang.
Ito ay matapos na mabilis aprubahan ng bicam ang pinal na bersyon ng Bayanihan 2.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang ikinalulugod ang pakikinig ng dalawang kapulungan ng kongreso na agad maipasa ang Bayanihan 2 na naglalaman ng P14-bilyon at karagdagang P25-bilyong standby fund.
Kanila na rin aniyang sinisikap na makakuha ng kopya ng bicam report upang matalakay na ito sa press briefing.
Samantala, matatandaang kabilang ang Bayanihan 2 sa recovery plan ng pamahalaan upang muling buhayin ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).