Dinipensahan ng Malacañang ang desisyon ng gobyerno na payagan ang mga menor de edad sa loob ng mga malls bilang bahagi ng mga hakbang upang buhayin ang ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maglalabas naman kasi ng guideline ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak na hindi magiging “super-spreaders” ng virus ang mga kabataan.
Sinabi pa ni Roque, kaya’t kabilang nga sa mga requirement para payagang makapasok ang mga menor de edad sa mga malls—ay dapat kasama ang mga magulang ng mga ito.
Una rito, sinabi ni Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield (JTF) na naka-depende sa mga lokal na pamahalaan kung papayagan nila sa loob ng mga malls ang mga menor de edad kahit na may umiiral na quarantine protocols.