Nainsulto ang Alliance of Concerned Teachers o ACT sa naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno hinggil sa hirit nilang umento sa sahod ng mga pampublikong guro
Ayon kay Benjie Balbuena, national chairperson ng ACT, kailangang maisama sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ang dagdag suweldo para sa mga nasa hanay ng edukasyon
Kasunod nito, umapela ang ACT sa Administrasyong Duterte para sa isang diyalogo upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpasa sa hirit na 25,000 piso bilang entry pay para sa mga public school teachers
Una nang sinabi ni Diokno na masyadong ambisyoso sa panig ng mga guro ang hinihingi nilang dagdag suweldo gayung kabilang naman ang mga ito sa ipatutupad na salary Standardization Law IV
By: Jaymark Dagala / (Reporter No.5 ) Aya Yupangco