Kinontra ng isang toxicologist ang pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang masamang epekto sa kalusugan ng tao ang mga dinurog na dolomite rocks.
Sa isang virtual forum, sinalungat ni Dr. Rommy Quijano ang ulat na ligtas ang ginamit na mga pinulbos na dolomite rocks bilang synthetic white sand sa dalampasigan ng Manila Bay.
Sinabi ni Quijano, walang katotohanan ang mga naging pahayag ng DENR na hindi magdudulot ng respiratory disease ang mga pinulbos na dolomite rocks.
Aniya ang mga dinurog kasing dolomite rocks ay may laking 2 to 5 milli-meters, o katumbas ng dalawa hanggang 5,000 microns—na mas malaki kaysa sa respirable dust na mapanganib sa tao.
Gayunman, nanindigan naman si William Cuñado, Director ng Environment Management Bureau ng DENR na mayroon lamang banta sa kalusugan ang mga dinurog na dolomite rocks para sa mga nagpoproseso at nang pagdurog sa mga ito.