Umapela ang Blas F. Ople Policy Center sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment.
Ito’y para tulungan ang mga overseas filipino worker o ofw na nakatira at nagtatrabaho malapit sa border ng bansang yemen
Ayon sa executive director nito at dwiz anchor susan toots ople, natatakot na ang mga ofw sa pagpapalipad ng rockets ng houti rebels na naka-a-apekto sa kanilang pagtatrabaho
Halos labing limang kilometro lamang ang layo ng mga rebelde sa border kung saan, ang ilan sa mga ito ay nakapasok na sa maliliit na komunidad ng Dhahran Al Janoub.
Nanawagan si Ople sa DFA at DOLE na magpadala ng contingency team para maihanda ang mga plano tulad ng emergency shelter para sa mga apektadong Pilipino.
By Jaymark Dagala