Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar ang pagkakaroon ng ore processing facilities ang industriya ng pagmimina sa bansa
Sa kaniyang talumpati sa Mining Philippines 2016 summit, sinabi ng Senadora makatutulong ito sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino
Dapat aniyang sundan ng Pilipinas ang indonesia na nagpoproseso na ng sariling mineral ore o batong mineral at nagbawal na sa pag-eexport nito
Sa kasalukuyang sistema sa industriya, umaangkat ang pilipinas ng nickel ore na may kasamang lupa mula sa china
Pagtatayo ng mga ore mining facilities, malabo pa
Aminado ang Chamber of Mines of the Philippines na hindi madali ang pagtatayo ng Miniral ore processing plant sa Pilipinas
Reaksyon ito ng grupo sa panawagan ni Senadora Cynthia Villar na naglalayong makapagbigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino
Ayon kay Nelia Halcon, Executive Vice President ng COMP, mangangailangan ng pribadong kumpaniya na mamumuhunan ng malaki sa nasabing proyekto
Bagama’t handa sila na simulan ito, ngunit dapat mabigyan sila ng exemption sa pagpasok ng mga kagamitan sa pagmimina
By: Jaymark Dagala