Pinag-aaralan pa ng pamahalaan kung palalawigin pa ang ipinatupad na travel ban sa United Kingdom dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong strain ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Sa isang panayam kay Health Secretary Francisco Duque III, inihayag nito na nakatakda silang magpulong kasama ang Inter-Agency Task Force sa Lunes, Disyembre 28 para sa kanilang assessment sa kumakalat ngayon na bagong strain ng COVID-19.
Dito na rin aniya nila pagdedesisyonan kung irerekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig o hindi na sa umiiralo na travel restriction sa UK.
Magugunitang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Miyerkules ang temporary suspension sa lahat ng biyahe mula sa UK, epektibo kahapon Disyembre 24 at tatagal hanggang Disyembre 31.