Labis na naka-aalarma ang posibleng pagtaas ng HIV sa bansa.
Ayon kay Anakalusugan Party-List Representative Mike Defensor, posible kasing tumaas ang bilang ng undiagnosed HIV cases sa bansa, dahil bumaba ang bilang ng mga nagpapa-test dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Anakalusugan Party-List Representative Mike Defensor, Vice Chairperson ng House Committee on Health, hindi dapat maagrabyado ang laban ng Pilipinas sa aids kahit na nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Sinabi ni Defensor, batay sa tala ng National Aids Registry, nasa 934 ang kaso ng HIV sa bansa simula noong Abril kung saan mas mababa ito ng 98% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon.