Dapat maklaro sa meeting ng Bicameral Conference Committee kung saan kukunin ang P54-B dagdag na pondo pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang iginiit ni Senator Imee Marcos kasunod ng pahayag nitong malabo pa kung saan kukunin ang nasabing halaga na nasa ilalim ng unprogrammed appropriations.
Ito’y kung saan, wala pa aniyang ng pondo para dito at iaasa lamang sa koleksyon ng buwis ang P54-B piso na aniya’y malabo rin dahil lugmok pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pandemya.
Kasama din aniya sa unprogrammed funds ang P20-B na pondo para sa gastos sa transportasyon, storage, at distribution ng bakuna.
Dahil dito, inirerekomenda ng senadora sa Bicam na gamitin na lamang ang pondo ng Department Of Transportation (DOTr) na nakalaan sa mga right of way project, para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.