Ikinatuwa ng palasyo ng Malacañang ang pagkakapasa sa 2021 proposed national budget sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.
Sa pahayag na inilabas ng Palasyo, nakasaad na labis na ikinalugod ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakapasa sa panukalang pambansang budget sa tamang panahon, lalo pa’t nasa gitna ng pandemya ang Pilipinas.
Dahil dito umaasa naman ang Malacañang na maisusumite ng Kamara ang kopya nito sa Senado upang mabigyan naman ang mababa na kapulungan ng Kongreso na himayin at talakayin ang pambansang budget.