Galit at labis na pagkagulat ang naramdaman ng kampo ni Jennifer Laude matapos na pagkalooban ng Pangulong Rodrigo Duterte si U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon.
Ito ang naging pag-amin ni Atty. Virginia Suarez, kung saan tinawag nitong kasuklam-suklam ang naturang desisyon para sa pamilya at kaibigan ni Laude, pati na aniya sa buong sambayanang Pilipino.
Talagang nakakagalit (…) for the family, for me, at palagay ko, sa buong sambayanan, nakakagalit iyon,” ani Suarez.
Sinabi pa ni Suarez, ang pagbibigay ng Pangulong Duterte ng absolute pardon kay Pemberton ay katumbas ng pagbalewala sa proseso ng korte, at sa sentensyang ipinataw ng korte kay Pemberton para sa salang pagpatay kay Jennifer Laude.
Ito ay pagbabalewala nalang bigla sa proseso na nadoon na sa korte at pagbabalewala sa conviction ni Pemberton. Syempre, sige, nand’yan pa rin, convicted pa rin, pero itong pardon, tinapos lahat ang pagpapatuloy ng kanyang sentensya,” ani Suarez. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas