Pagkakaisa at pagkalinga sa isa’t-isa sa gitna ng pandemya.
Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), kahapon.
Ayon kay Pangulong Duterte, nahaharap ang bansa sa isang krisis pangkalusugan at kailangan ng mga Pilipino na magtulungan upang mapagtagumpayan ito.
Sinabi ng pangulo, nasa pambihirang pagkakataon ang mga Pilipino kung saan tinangay din ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pangarap na pag-unlad ng pamahalaan nang makapasok ang nakakamatay na virus sa bansa.
Aniya, walang sinasanto ang virus mapa-mayaman man o mahirap, kaya’t labis siyang umaasa na masasandalan ng Pilipino ang bawat isa.