Hinikayat ni Pope Francis ang mga mamamayan sa buong mundo na magkaisa ngayong pagpasok ng bagong taon.
Sa kaniyang taunang New Year’s mass, pinuna ng santo papa ang kakulangan ng pag-kakaisa ng mga mamamayan.
Sinabi ni Pope Francis na bagama’t mas napadali ng teknolohiya ang komunikasyon sa panahon ngayon ay watak-watak pa rin at hindi nagkaka-sundo ang mga tao.
Muli namang hinimok ng santo papa ang mga Katoliko na pahintulutan ang kanilang mga sarili na mag-balik loob sa Panginoon, at mas mapalapit sa kanilang mga pamilya.