Maari namang ipaglaban ni U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang kaniyang pagkakasama sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI).
Ito ay matapos na bigyan ng absolute pardon si Pemberton matapos nitong makulong ng halos anim na taon dahil sa salang pagpatay sa Filipina transgender na si Jennifer Laude.
Sa ngayon kasi ay ipinoproseso na ang tuluyang paglaya ni Pemberton, at agad itong ipade-deport bilang “undesirable alien” sa Pilipinas.
Dahil dito, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete, pupwede namang iapela ni Pemberton sa BI ang pagiging blacklisted nito sa bansa, sakaling naisin nitong bumalik ng Pilipinas.
Gayunman, nilinaw naman ni Perete na mataas ang tsansa na ibasura lamang ito ng immigration dahil sa kasong kinaharap ni Pemberton sa bansa.