Muling isinalang sa unang pagbasa sa kamara ang prangkisa ng giant network na ABS-CBN.
Ito ay matapos na mai-refer sa house committee on legislative franchises ang panibagong resolusyon para sa renewal ng prangkita ng ABS-CBN.
Sa pag-uumpisa ng sesyon ay binasa sa plenaryo ang house resolution no. 8298 na inihain ni Deputy Speaker at Batangas 6th Representative Vilma Santos-Recto na naglalayong bigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Umaasa naman ang mga nagsusulong ng panibagong 25 prangkisa ng ABS-CBN na kakatigan na ito sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco.