Isinusulong ngayon ni Senate President Vicente Sotto III ang pagbuo ng isang inter-agency para magbigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa novel coronavirus (nCoV).
Ayon kay Sotto, kailangan kasi ng publiko ng access, hindi lamang sa mga clinical information kundi maging sa mga impormasyon hinggil sa travel restriction, market condition, mga anunsiyong may kinalaman sa turismo at abiso mula sa lokal na pamahalaan.
Sinabi ng senador na mabuti kasing magkaroon ng isang information agency na tututok lamang sa mga datos na kailangan ng publiko.
Paliwanag pa ni Sotto, abala na kasi ang mga health officials sa pag kontrol ng pagkalat ng nCoV sa bansa.
Bubuuin aniya ang naturang inter-agency ng mga kinatawan mula sa Dept. of Tourism, Dept. of Trade and Industry, Dept. of Finance, at Local Government Units.