Lusot na sa ika-3 at huling pagbasa sa kamara ang panukalang batas sa pagbuo ng Coco Levy Trust Fund.
Sa botong 221 yes, 6 na no at zero abstention, ay i-dedeklarang trust fund ang mga Coco Levy assets para maisaayos at gawing moderno ang coconut industry sa bansa.
Oras na maging ganap itong batas, ay makikinabang dito ang 3.5-M magniniyog mula sa 68 coconut producing provinces mula sa tax collections na ipinataw sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Matatandaang, una nang itinutulak ni House Speaker Lord Allan Velasco na gawing pamasko para sa 3-M coconut farmers ang pagpasa sa naturang panukala bago pa man ang Christmas break.