Itinigil na ng Brazil ang pagbibilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at pagkasawi sa kanilang bansa.
Hindi naman nagbigay ng malinaw na rason ang health ministry ng Brazil kaugnay sa pagpapatigil sa pag-uulat.
Hinala ng mga eksperto sa nabanggit na bansa, isa itong hakbang upang itago ang katotohanan sa publiko kung gaano ka-delikado ang COVID-19.
Magugunitang una nang sinabi ni Brazilian President Jair Bolsonaro na ‘exaggerated’ lamang ang mga nilalabas na tally ng mga state governors upang makakuha ng mas malaking budget mula sa gobyerno.
Samantala, noong ika-5 ng Hunyo pa huling nagbigay ng datos ang Brazil hinggil sa COVID-19 kung saan tanging bilang na lamang ng naka-recover sa sakit ang isinapubliko.