Ikinalugod ng mga senador ang naging kautusan ng Department Of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw sa batas na walang exemption ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado kung kayat dapat lamang itong matanggap lalo na ngayong may pandemya.
Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na siya ring Chairman ng Senate Committee on Labor, ang desisyon ng DOLE ay bunga ng konsultasyon sa tripartite council.
Umaapela naman si Villanueva sa DOLE na bantayang maigi ang mga employer kung susunod nga ang mga ito sa pagbibigay ng 13th month pay ng mga empleyado.
Kasabay nito nananawagan din ang senador sa gobyerno na tulungan ang mga distressed employers na makasunod sa 13th month pay law na karamihan ay kinabibilangan ng Micro Small and Medium Enterprises (MSME’s) kung saan mayroong 5.7M na manggagawa.