Muling pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasaherong bibyahe na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng paputok sa mga barko.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, bukod sa mga paputok ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng matatalas na bagay at flammable materials.
Binalaan din ng PCG ang mga shipping companies na huwag nang makipagsabwatan sa mga pasahero sa paglusot ng paputok dahil nagdeploy na sila sa mga pantalan ng sniffing dogs.
Samantala, ang mga tauhan ng PCG na masasangkot sa indiscriminate firing ay maaaring masibak sa pwesto.