Hindi pipilitin ng pamahalaan ang publiko na magpaturok ng bibilhin nitong bakuna kontra COVID-19.
Sa ulat sa bayan kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na malaya naman ang mga lokal na pamahalaan na pumili at bumili ng gusto nilang COVID-19 vaccines.
‘di yan pinipilit kapag sumali kayo sa ibibigay na bakuna ng national government. Alam mo maraming local government units who are opted to go on their own, sila ang bumili may pera sila, sila ang mamili ng kanilang ng vaccine,”pahayag ni Duterte.
Sa kabila nito, iginiit pa rin ng pangulo na ligtas at mabisa ang bakuna ng sinovac mula sa China na isa sa inaasahang unang darating sa bansa sa Pebrero.
Dagdag pa ng Pangulo, aakuin nya ang responsibilidad sakaling magkaproblema sa pagtuturok ng bibilin nilang bakuna.
The bakuna that Secretary Galvez is buying, is as good as any other bakuna na na-imbento ng mga Amerikano o mga European. Bright itong mga Intsik. They would not venture kung hindi sapat, safe, sure and secure. Sa lahat ng ito kung may bulyaso, sa aming gobyernong pinili na nenegotiate namin, kung may bulyaso at the end of the day akin talaga yang responsibilidad,”pahayag ni Pangulong Duterte.