Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa bansa na itigil ang pag-spray ng disinfectant sa mga tao bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na nagpatupad ang ilang lungsod ng misting o direktang pag-spray sa mga tao bilang bahagi ng kani-kanilang decontamination measures.
Magugunitang nilinaw ng Department of Health (DOH) noong ika-13 ng Abril na mayroong kemikal ang mga disinfectant na hindi nakabubuti sa tao at maging sa hayop.
Isa sa kemikal na nakahalo sa disinfectants ang hypochlorite na isang irritant sa balat, mucuos membrane o mata, ilong at lalamunan.
Giit ni DILG Eduardo Año, dapat na iwasan ng mga LGUs na dumagdag pa sa problema na kinakaharap ng bansa kaugnay sa COVID-19.