Isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano na i-postpone ang Barangay at SK elections.
Paliwanag ni Cayetano, mas mainam kung ipagpapaliban ang halalan sa taong 2018 at palawigin ng dalawang taon ang termino ng mga kasalukuyang barangay officials na nahalal noong 2013.
Ayon pa kay Cayetano, layon ng kanyang panukala na mabigyang daan ang kampanya ng administrasyon sa pagresolba sa kriminalidad, gayundin ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.
Nakatakdang isagawa ng COMELEC ang Barangay at SK elections sa Oktubre 31.
By: Meann Tanbio