Nanawagan si Senador Migs Zubiri na amyendahan ang batas sa Secrecy of Bank Deposits sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Sinabi ni Zubiri sa ikalawang araw ng pagdinig sa extrajudicial killings, naging tambayan na ang Pilipinas ng mga sindikato at magnanakaw dahil hindi sila nahuhuli dulot ng sobrang higpit ng naturang bank secrecy law.
Aniya, may kaugnayan ang pag-amyenda ng bank secrecy law sa anti-corruption agenda ng Administrasyong Duterte at mga alegasyong marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang dawit sa kalakalan ng iligal na droga.
Samantala, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroon na siyang panukalang hindi maging sakop ng law on secrecy of bank deposits ang lahat ng kawani ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinabi ni Senadora Leila de Lima na isusumite niya ang kanyng panukalang proceeds of crime act.
By: Avee Devierte