Iminungkahi ng isang mambabatas na gawing 8,000 piso ang tulong pinansiyal para sa mga hog raisers na apektado ng ASF o African Swine Fever sa bansa.
Ito ayon kay Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food ay dahil kulang ang kasalukuyang 3,000 pisong tulong pinansiyal para sa mga hog raisers na apektado ng ASF.
Aniya, pumapalo kasi sa 14,000 piso ang halaga ng isang alagang baboy, ngunit kung ito ay maapektuhan ng ASF at isasalang ng pamahalaang lokal sa culling activities, ay kulang na kulang ang tulong pinansiyal na natatanggap ng mga hog raisers.