Aabot sa mahigit P700-M halaga ng pekeng mga produkto ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang warehouse sa Maynila at Pasay.
Ito ay kaugnay ng ikinasang raid ng Bureau of Customs (BOC) kung saan pumalo sa kabuuang P740-M ang halaga nang narekober na counterfeit products.
Ayon sa BOC, kabilang sa mga nakumpiskang produkto ang mga pekeng sapatos, damit, cosmetics, laruan at cellphone accessories.
Mahaharap naman ang may-ari ng warehouse sa kasong paglabag sa mga probisyon ng Intellectual Property Code of the Philippines at Customs Modernization and Tariff Act of 2016.