Aabot sa P5.8-B ang inilaang ayuda para sa mga driver at operators ng mga pampublikong mga sasakyan.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, sa ilalim ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act ay may nakalaang cash subsidy para sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan na apektado ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Delgra, kailangan sumailalim ang mga apektadong tsuper at operator sa service contracting program ng pamahalaan para matanggap ng mga ito ang nasabing ayuda.
Gayunman, sinabi naman ni Delgra na nakabatay naman ang matatanggap na ayuda ng mga tsuper at operator sa pamamagitan ng tinatawag na ‘performance-base’ cash aid.
Sinabi ni Delgra, aarangkada ang nasabing programa ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa Disyembre.