Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa mababang kapulungan ng Kongreso ang National Expenditure Program para sa taong 2021.
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, tinatayang nasa P4.506 trilyong ang pambansang pondo para sa susunod na taon at may temang “Reset, Rebound and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability”.
Ang naturang pondo ay mas mataas ng 9.9% kumpara sa 4.1 trilyong pisong pondo ngayong taon.
Dagdag pa ni Avisado, sesentro ang national budget sa pagpapabuti ng health care system ng bansa, pagtitiyak sa food security, paglikha ng maraming trabaho at digitalization ng gobyerno at ekonomiya ng bansa.
Samantala, inihayag naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na target nilang tapusin ang deliberasyon at aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2021 national budget sa katapusan ng Setyembre.