Tatlong bilyong pisong excise tax ang di umano’y nawawala sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kada taon dahil sa mga pekeng tax stamps.
Isang halimbawa dito ang 175 milyong pisong halaga ng pekeng BIR tax stamps na nasabat sa pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Bulacan at Pangasinan.
Kasama sa mga nakumpiska ng Bureau of Customs mula sa dalawang bodega sa Bulacan at Pangasinan ang 500 milyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo.
Arestado rin ang pito katao sa isang bodega sa Marilao Bulacan at 24 na manggagawang Intsik sa Villasis Pangasinan.
Kabilang sa mga brands ng sigarilyo na pinepeke sa nasabing lugar ay Marlboro, Fortune, Jackpot, Skag at Farstar.
By Len Aguirre